Mga Operator ng mga Swap Meet, Tiangge, o Espesyal na Kaganapan
(Lathala 111)

Kung nag-oorganisa ka ng swap meet, tiangge, o espesyal na kaganapan sa California, inaatas ng batas ng estado na magtabi ka ng mga nakasulat na talaan ng lahat ng taong nagbebenta sa iyong mga kaganapan. Hindi ka maaaring magpaupa ng espasyo sa mga nagbebenta maliban kung nagbigay sila sa iyo ng nakasulat na dokumentasyon na inilarawan sa lathalang ito.

Ano ang swap meet, tiangge, o espesyal na kaganapan?

Ang isang swap meet, tiangge, o espesyal na kaganapan ay anumang kaganapan kung saan:

  • Dalawa o higit pang tao o negosyo ay nag-aalok ng mga bagay na paninda o para sa pakikipagpalitan, at
  • Ang mga inaasahang magbebenta ay sinisingil ng upa sa espasyo o ang mga inaasahang mamimili ay sisingilin ng bayad sa pagpasok.

Ang kinakailangang impormasyon ng nagbebenta na dapat mong kuhanin

Ang impormasyong dapat mong makuha ay nakadepende sa katayuan ng nagbebenta.

Dapat mong idokumento ang ilang partikular na impormasyon sa lahat ng nagbebenta na nagsasagawa ng mga aktibidad sa mga lugar na pagmamay-ari o kontrolado mo.

Kumbinyenteng form na ginagamit para kolektahin ang kinakailangang impormasyon ng nagbebenta

Maaari mong gamitin ang CDTFA‑410‑D, Sertipikasyon para Magpatakbo ng mga Swap Meet, Tiangge, o Espesyal ng mga Kaganapan, para makuha ang kinakailangang impormasyon mula sa iyong mga tagabenta. Ang form na ito ay makukuha sa pagtawag sa aming Customer Service Center sa 1-800-400-7115 (TTY:711). Mayroong mga kinatawan ng customer service Lunes hanggang Biyernes mula 7:30 a.m. hanggang 5 p.m. (Pacific time), maliban sa mga holiday ng estado.

Kahit na piliin mong hindi gamitin ang form, mahalagang makuha mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon ng tagabenta nang nakasulat.

Kabilang sa kinakailangang impormasyon ng tagabenta ang:

  • Pangalan ng negosyo ng tagabenta
  • Mailing address
  • Numero ng telepono
  • Numero ng lisensya sa pagmamaneho o ID na inisyu ng estado at pangalan ng estadong nag-isyu
  • Paglalarawan ng mga bagay na binebenta o naka-display
  • Numero ng permit bilang tagabenta

Kung hindi kailangang magkaroon ng permit ang tagabenta, dapat silang magbigay ng dahilan, tulad ng:

  • Ang sales mula sa produktong binebenta ko ay hindi binubuwisan,
  • Hindi nasasaklaw (exempt) ang sales ko dahil paminsan-minsang benta lang, at/o
  • Nagbebenta ako sa ngalan ng isang tagabentang napapailalim sa seksyon 6015.*

Nitong Enero 1, 2022, ang mga tagabentang palipat-lipat ng lugar** ay hindi na kwalipikado bilang taong hindi kinakailangang magkaroon ng permit sa pagbenta.

Bagaman hindi kinakailangan, inirerekumenda naming kumuha ka ng kopya ng permit ng bawat tagabenta para sa iyong mga record. Mahalagang magtabi ng kopya ng mga dokumentong nagbeberipika sa mga tagabenta nang hindi bababa sa apat na taon.

*Sa pagkakataong ito, dapat tukuyin ng tagabenta ang retailer.
**Tingnan ang Revenue & Taxation Code (R&TC) seksyon 6018.3, Itinerant Veteran Vendors.

Pagberipika ng California Department of Tax and Fee Administration (CDTFA) ng katayuan ng permit ng tagabenta

Hindi ka maaaring magpaupa ng espasyo sa mga tagabenta hanggang sa magkaroon ka ng beripikasyon na mayroon silang balidong permit na magbenta, maliban kung hindi nila kailangang magkaroon ng permit bilang tagabenta gaya ng nakasaad sa nakaraang seksyon.

Kung magpadala kami sa iyo ng kahilingan para sa impormasyon ng mga nagbebenta na nagsagawa ng mga aktibidad sa iyong lugar, dapat mong ibigay ang impormasyong ito o mga kopya ng mga dokumento na nagbeberipika sa indibidwal na nagbebenta sa loob ng 30 araw mula sa nakasulat na kahilingan. Beberipikahin namin ang impormasyon na ibibigay mo at ipapaalam namin kung may sinuman sa mga nagbebenta sa iyong kaganapan ang hindi tamang inilahad ang kanilang katayuan sa permit bilang tagabenta.

Beripikahin ang permit ng nagbebenta

Mayroong dalawang paraan para beripikahin kung mayroong balidong permit ang nagbebenta:

  • Sa aming website sa www.cdtfa.ca.gov, piliin ang How Do I… at pagkatapos, piliin ang tampok na Verify a Permit, License, or Account. Maaari mo ring magamit ang feature na ito upang beripikahin kung balido ang permit, lisensya, o account para sa iba pang programa na pinapangasiwaan namin.
  • Maaari ka ring tumawag sa aming automated na toll-free number sa 1-888-225-5263, na maaari 24 na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Kakailanganin mo ang numero ng permit ng tagabenta na nais mong beripikahin.

Mga pagbisita sa site ng CDTFA

Ang aming mga kinatawan ay paminsan-minsang bumibisita sa mga kaganapan sa pagbebenta upang beripikahin na sumunod ang mga operator sa mga legal na rekisito para sa pagpapatakbo ng isang swap meet, tiangge, o espesyal na kaganapan. Maaari ding tingnan ng aming mga kinatawan kung naka-display ang mga permit sa pagbebenta ng mga tagabenta na may kitang dapat buwisan gaya ng inaatas ng batas.

Sa bawat pagbisita, ang aming mga miyembro ng team ay:

  • Magpapakilala ng kanilang mga sarili at ipapakita sa iyo ang kanilang ID,
  • Beberipikahin kung mayroong permit ang tagabenta, mga fee permit, at iba pang lisensya/permit ng negosyo na maaaring kailangan, kabilang ang lisensya ng negosyo mula sa lungsod o county, kung naaangkop,
  • Susuriin ang kinakailangan mong dokumentasyon upang beripikahin na na-update ito ng tamang impormasyon,
  • Magbibigay ng patnubay sa pag-uulat nang tama ng iyong impormsyon, at
  • Sasagutin ang anumang tanong na mayroon ka.

Ano ang mangyayari kung wala ako ng tamang dokumentasyon para sa aking kaganapan?

Kung hindi ka nagtatabi ng impormasyon sa permit at/o lisensya ng lahat ng nagbebenta na nagsasagawa ng mga aktibidad sa lugar na pagmamay-ari o kontrolado mo, maaaring lumalabag ka sa batas ng estado.*

Maaari kang hilinging magbayad ng multa na hanggang $1,000 para sa bawat tagabenta na hindi mo naitabi ang record kung kinakailangan na may permit bilang tagabenta ang taong iyon at walang balidong permit para sa pagbebentang isinagawa sa iyong lugar.

*Tingnan ang seksyon 6073 ng R&TC.

Pakitandaan: Ibinubuod ng lathalang ito ang batas at mga naaangkop na regulasyon na ipinapatupad sa panahon na isinulat ang lathalang ito, tulad ng nakasaad sa itaas. Gayunpaman, maaaring nagkaroon ng mga pagbabago sa batas o sa mga regulasyon mula ng panahong iyon. Kung mayroong hindi pagkakatugma sa pagitan ng text sa lathalang ito at sa batas, ang paglalapat ng buwis ay batay sa batas at hindi sa lathala.

Pagbabago noong Pebrero 2024