Mga Operator ng mga Swap Meet, Tiangge, o Espesyal na Kaganapan
(Lathala 111)
Mga Nagbebenta (Seller at Vendor)

Impormasyon na dapat mong ibigay sa operator

Maaari kang gumamit ng CDTFA-410-D, Sertipikasyon para Magpatakbo ng mga Swap Meet, Tiangge, o Espesyal na Kaganapan, para ibigay ang kinakailangang impormasyon sa operator ng kaganapan kung saan ka nagbebenta ng iyong mga item. Ang form na ito ay makukuha sa pagtawag sa aming Customer Service Center sa 1-800-400-7115 (TTY:711).

Mga tagabenta na dapat mayroong permit bilang tagabenta

Ang mga taong nagbebenta ng bago o gamit (used) na bagay sa California, kabilang ang mga likhang-kamay na bagay, ay inaatasang magkaroon ng permit bilang tagabenta sa pangkalahatan. Ang mga nagbebenta na kinakailangang magkaroon ng mga permit ay dapat ibigay sa mga operator, nang nakasulat, ang kanilang:

  • Pangalan ng negosyo
  • Mailing address
  • Numero ng telepono
  • Numero ng lisensya sa pagmamaneho o ID na inisyu ng estado kasama ang pangalan ng nag-isyu na estado
  • Paglalarawan ng mga bagay na binebenta o naka-display
  • Numero ng permit bilang tagabenta

Bagaman hindi kinakailangan, inirerekumenda namin na magbigay ka ng kopya ng iyong permit bilang tagabenta sa operator ng kaganapan.

Mga kinakailangang permit para sa pagbebenta sa mga pansamantalang lokasyon

Kailangan mong magrehistro para sa isang sub-permit para sa pansamantalang lokasyon kung saan ka magbebenta ng mga paninda mo, kahit na mayroon ka nang permit bilang tagabenta para sa iyong permanenteng lugar ng negosyo. Iuulat mo ang benta mo sa mga lokasyong ito kapag nagfa-file ng iyong mga sales and use tax returns.

Nag-aalok kami ng ilang madaling paraan para makapagparehistro ka at makakuha ng sub-permit. Maaari kang mag-apply:

  • Online, o
  • Sa personal sa alinman sa aming mga opisina. Isaad na nais mong magparehistro at makakuha ng sub-permit para sa iyong (mga) pansamantalang lugar ng pagbebenta.

Kung kailangan mo ng tulong, makipag-ugnayan sa aming Customer Service Center sa 1-800-400-7115 (TTY:711). Mayroong mga kinatawan ng customer service Lunes hanggang Biyernes mula 7:30 a.m. hanggang 5 p.m. (Pacific time), maliban sa mga holiday ng estado.

Kapag nagparehistro ka para sa mga pansamantalang lokasyon na ito, matitiyak mo na natatanggap ng mga lungsod at county ang naaangkop na lokal at pandistritong mga buwis.

Ano ang dapat kong gawin kapag tapos na ang kaganapan?

Dapat mong abisuhan kami nang nakasulat, sa pamamagitan ng pagtawag, o sa pagbisita sa isa sa aming mga opisina, kung hindi ka na nagbebenta sa isang lokasyon ng negosyo, kabilang ang pansamantalang lokasyon ng pagbebenta na nakarehistro sa ilalim ng iyong account.

Mga nagbebenta na hindi kinakailangang magkaroon ng permit bilang tagabenta

Mayroong mga tagabenta na hindi kailangan ng permit para magbenta. Maaari mong gamitin ang CDTFA‑410‑D para magbigay ng kinakailangang impormasyon sa operator ng kaganapan kung saan ka nagbebenta ng iyong mga paninda. Ang form na ito ay makukuha sa pagtawag sa aming Customer Service Center sa 1-800-400-7115 (TTY:711).

Kung hindi ka kinakailangang magkaroon ng permit bilang tagabenta, dapat mong tukuyin na:

  • Paminsan-minsan ka lang magbenta,
  • Lahat ng iyong tinging pagbebenta ay hindi saklaw ng pagbubuwis, at/o
  • Nagbebenta ka lang ng mga bagay na binili mula sa mga retailer na napapailalim sa seksyon 6015.*

Nitong Enero 1, 2022, ang mga tagabentang palipat-lipat ng lugar** ay hindi na kwalipikado bilang taong hindi kinakailangang magkaroon ng permit sa pagbenta.

Ang mga nagbebenta na napapailalim sa mga kondisyong 2 o 3 ay dapat ilarawan ang mga bagay na binebenta nila at sabihin na hindi nila kailangang magbayad ng buwis sa mga bentang iyon.

*Tingnan ang Revenue & Taxation Code (R&TC) seksyon 6015.
**Tingnan ang R&TC seksyon 6018.3, Itinerant Veteran Vendors.

Mga paminsan-minsang tagabenta

Dahil sa bilang, saklaw, at katangian ng kanilang mga aktibidad sa pagbebenta, ang ilang tagabenta ay hindi kinakailangang magkaroon ng permit sa pagbebenta. Halimbawa, ang isang taong nakabenta sa isang swap meet nang hindi hihigit sa dalawang beses kada taon dahil ipinagbabawal ang pagsasagawa ng garage sale sa kanilang tirahan ay maaaring magkwalipika bilang paminsan-minsang nagbebenta.*

*Tingnan ang Regulasyon 1595, Paminsang-minsang Benta—Benta ng isang Negosyo—Muling Pag-organisa ng Negosyo.

Ang mga nagbebenta na mayroon lang bentang hindi kasama sa binubuwisan

Ang ilang nagbebenta ay hindi kailangang magkaroon ng permit bilang tagabenta dahil ang lahat ng kanilang benta ay hindi kasama sa sales and use tax. Halimbawa, kung nagbebenta lang sila ng sariwang ani o iba pang produktong malamig na pagkain na "iuuwi (to go)", hindi nila kailangan ng permit sa pagbebenta. Gayunpaman, ang mga nagbebenta ng malamig na pagkain ay hindi kailangan ng permit sa pagbebenta kung sila ay:

  • Nagbebenta ng pagkain na kakainin sa mga lugar kung saan may sinisingil na bayad sa pagpasok,
  • Nagbebenta ng carbonated na inumin o alak, o
  • Naglalaan ng mga mesa, upuan, counter, o iba pang pasilidad para kainan ng kanilang mga customer.

Tingnan ang Regulasyon 1602, Mga Produktong Pagkain, at Regulasyon 1603, Dapat Buwisang Benta ng mga Produktong Pagkain, at lathala 22, Industriya ng Pagkain at Inumin, para sa karagdagang impormasyon tungkol sa benta mula sa pagkain at inumin.

Mga retailer na napapailalim sa Seksyon 6015

Ang ilang tagabenta ay hindi kinakailangang magkaroon ng permit para magbenta dahil nagbebenta lang sila ng mga produktong binili mula sa mga dealer na inaprubahan namin bilang mga retailer na napapailalim sa seksyon 6015*. Kadalasan, kabilang sa mga retailer na napapailalim sa seksyon 6015 ang mga multi-level marketing company na kumukuha ng benta sa pamamagitan ng isang network ng mga indibidwal na tagabenta (na kilala rin bilang mga salespeople, ahente, o kinatawan). Ang mga tagabentang ito ay kinakailangang ibigay ang pangalan ng kanilang supplier ng produkto (ang seksyon 6015 retailer) sa mga operator ng kaganapan o tiangge kung saan nila balak magbenta. Kung isa kang ahente ng kumpanya na itinuturing na seksyon 6015 na retailer, magre-remit ang kumpanyang iyon ng tax sa benta sa amin sa ngalan mo. Ang seksyon 6015 na retailer ay itinuturing na retailer, at responsable sila sa pagkolekta ng buwis sa benta sa mga iminumungkahing presyo ng paninda kapag ibinenta nila ang mga item sa iyo. Kung hindi ka sigurado kung nagbebenta ka sa ngalan ng isang seksyon 6015 na retailer, makipag-ugnayan sa retailer o dealer upang matukoy kung nakarehistro sila sa amin bilang seksyon 6015 na retailer.

*Tingnan ang seksyon 6015 ng R&TC.

Kwalipikadong naglilibot na mga nagbebenta (Natapos ang batas na ito noong Disyembre 31, 2021.)

Ang programa para sa naglilibot na beteranong nagbebenta (itinerant veteran vendor program) ay inawtorisahan ng batas mula Abril 1, 2010, hanggang Disyembre 31, 2021. Sa panahong ito, itinuturing ang ilang beterano ng Estados Unidos bilang "kwalipikadong naglilibot na mga nagbebenta (qualified itinerant vendors)." Sila ang mga konsumidor ng mga produktong binebenta nila sa ilang partikular na kondisyon. Bilang mga konsumidor, ang mga kwalipikadong naglilibot na mga nagbebenta ay hindi kinakailangang magkaroon ng permit na magbenta.

May ilang pagbubukod. Ang mga naglilibot na beteranong nagbebenta (itinerant veteran vendors) na nagsasagawa ng negosyo sa catering o vending machine, nagtitinda ng alak, o nagtitinda ng mga isahang bagay sa higit $100, ay hindi itinuturing na "mga kwalipikadong naglilibot na nagbebenta (qualified itinerant vendors)" at karaniwang kinakailangang makakuha ng permit na magbenta at mag-ulat at magbayad ng buwis sa kanilang mga benta.

Simula Enero 1, 2022, ang mga naglilibot na beteranong nagbebenta na nagkwalipika para sa pagbubukod sa itaas ay kinakailangan na ngayong makakuha ng permit na magbenta, mag-file ng mga sales and use tax returns, at magbayad ng buwis sa kanilang mga benta sa mga mamimili sa California.

*Tingnan ang seksyon 6018.3 ng R&TC.

Kung hindi ka sigurado kung kailangan mo ng permit sa pagbebenta o kung dapat buwisan o hindi ang iyong benta, maaari mong kontakin ang aming Customer Service Center para sa tulong sa 1‑800‑400‑7115 (TTY:711). Mayroong mga kinatawan ng customer service Lunes hanggang Biyernes mula 7:30 a.m. hanggang 5 p.m. (Pacific time), maliban sa mga holiday ng estado.

Pagbabago noong Pebrero 2024